Tahimik (pero ayaw nilang maniwala!), mahiyain (ang kapal ng mukha ko raw!) introvert person (opinion ko lang yon!).
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30





rss feed
1.11.2007
Birthday ko na!

   Ang bilis ng panahon. Dati 18yrs. old lang ako, tapos paggising ko ng umaga 28yrs old na pala ako!!!! Waaaaaaaah!!!!!! Pero kailangan kong tanggapin na lahat tayo ay tumatanda at walang takas dito. Alam niyo mga tropa, kaibigan at kakosa, malaki ang pasasalamat ko sa Diyos kasi sinulit Niya ang pagiging kabataan ko sa presensiya Niya. Binigyan niya ko sa kaligtasan, maraming "gifts & talents", dinala niya ko sa "mission area" sa Real Quezon sa murang edad na 18, nakasama sa maraming " youth camps" na kung saan duon Niya ako hinumog at nakarating sa mga lugar na malabong mapuntahan kasi pananaw ko nun ay wala akong sapat na salapi upang makarating doon at marami pang ibang pagpapala sa buhay ko!

   Ngunit, bigla akong nakapag-isip kung  bakit pinaparanas ng Diyos sa akin ang mga ito? Ganun-ganun na lamang ba yon? O hinahanda lang ako sa malaking Misyon sa buhay? Kayo, may ganito ba kayong karanasan? Di ko pa alam kung ano ang layunin Niya. Pero isa lang ang aking nararamdaman, masaya ako na naglilingkod sa mga kabataan at naeenjoy kong ibahagi ang ibinigay ng Panginoon sa akin. Kaya ang aking kahilingan, ay maipasa ko ang natutunan at nakuha ko sa Diyos na pagpapala sa mga kabataan pagkat ako'y naging kabataan din na lubos ang pagkalinga at paggamit Niya sa akin! Kasi batid ko na idinaraan Niya ako sa susunod na baitang ng paglilingkod at yon ang dapat kong hintayin at ipanalangin. 

   Sana ay ganun din ang gawin niyo, ang hintayin ang bagong ipapagawa sa inyo ng ating Kataas -taasan! Magandang gabi po! At salamat po sa inyong pagbasa ng aking saloobin.   

 


Posted at 06:40 pm by arnold
kanin pa?  

6.26.2006
Sampung Simpleng Kaligayahan

1. magpatugtog ng mga kanta kasama ni hoobes.

2. maggitara at kumanta kahit wala sa tono.

3. mangulit at mang-asar! hehehe.

4. magnenok ng pagkain sa mga kaibigan.

5. manood ng t.v. at dvd.

6. kumain ng cream-O, picnic, fries at pringles!

7. magtext kung kanikanino.

8. makausap yung mga kaibigan ko na namimis ko na...

9. maglakad kung saan saan (maglabuy laboy)

10. makasama si dap-dap! ( hehehe...)

   O ayan nagblog na ko! Welcome to myself! Haaay...ang tagal na panahon na di ako nagblog....di ba noh? Baket kaya? Mis ko na kayo mga kaibigan ko.....kelan kaya uli ang susunod na kabanata ng buhay natin? Hmmmm...........

 


Posted at 02:01 pm by arnold
(2) humingi ng kanin  

11.11.2005
Salitang Bibitawan ko...........

Salamat Sa Diyos pagkat hindi Niya Ko tinantanang patapangin...............Kay buti Mo Panginoon......................Salamat.......................salamat.......................................

Posted at 01:53 pm by arnold
kanin pa?  

10.19.2005
Takot sa isang desisyon......

Marami ng beses na nakakabangga ko ang salitang "TAKOT". Ito ang mga halimbawa,  takot akong magbigay ng ideya pag kami'y nagpaplano sa kompanya, kasi baka di nila ito tanggapin. Takot akong makipag usap sa "foreigner" kasi baka maubusan ako ng ingles. Takot akong magalit sa ibang tao kasi ayaw ko na masaktan sila ng dahil lang sa galit ko. At higit na kinakatakutan ko ay..........Takot akong harapin ang isang tao na sa tingin ko na siya yung posibleng ibigay ng Diyos na maging katuwang ko hanggang wakas......Bakit ganon? Ang dami kong takot? Kelan ko ba ito malalampasan? At kelan ako tatapang.......Duwag ka talaga.....Duwag........ 

Posted at 08:07 pm by arnold
(3) humingi ng kanin  

Next Page