10.14.2005

Tunay ngang masarap ang pakiramdam ng may kaibigan. Sila ang nagpapagaan ng iyong araw lalo na pag nagkakasama sama kayo sa isang lugar. Sila yung tipong matutulungan ka pag ika'y may problema o suliranin sa buhay. Handang makinig sa mga daing, pighati at suliranin na iyong dalahin. Kwela ang mga ito. Bilib ako sa mga taong ito, kahit pagod na sa trabaho, meron pa rin silang enerhiya sa pangungulit at pang babalahura sa isa't isa. Marahil isa ito sa daan ng pagpapagaan ng mga utak nila dahil na rin sa sangkatutak na trabaho sa opisina. Ang grupong ito ay mga binata't dalaga pa. Di lingid sa kanila na kahit papaano, pumapasok na rin sa isipan nila ang magkaroon ng kasintanahan sa takdang panahon di ba? Pero syempre, ang iba dito ay magkakaroon ng reaksyon sa binitiwan kong salita ngayon? At ang iba naman ay ngingiti na lang, di na magbibigay ng reaksyon habang binabasa dito? ( Uuups! hehehe.....)
Tanong ko sa inyo....... Posible kaya na may mamuong pag-ibig na higit pa sa kaibigan sa grupong ito? O talagang magkaibigan na lang ang mga ito hanggang wakas? Ano sa palagay nyo? Kung ako ang tatanungin, ang Diyos ay pag-ibig. Tanging Siya lamang ang nakakaalam ng lahat. Ngunit subalit, datapuwat, mas mainam na dito magmula ang pag-ibig na higit pa sa kaibigan pagkat sila'y magkakakilanlan na at alam na nila ang sari't saring ugaling meron sa kanila, positibo man o negatibo.....
Sa ngayon, ito'y dapat itanim sa ating isipan...........Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng ating makakasama sa buhay.... Ang gusto lang Niya, tayo'y lumapit sa pamamagitan ng panalangin at sumunod muna sa Kanya, at darating ang takdang panahon, ilalaan Niya na ang katuwang ng ating buhay.........Amen.
Posted at 10:29 pm by arnold
Permalink
10.10.2005
PAGOD NA KONG UMINOM NG KAPE!!!!!!
Pagod na kong uminom ng kape! Itong panahon na 'to, lage kong sinusubukang ibalik yung tamang lasa ng kape, pero lage akong palpak sa pagtimpla. Minsan matabang, minsan mapait at higit sa lahat minsan sobrang tamis! Ayoko na..... Suko na kong magtimpla...Dapat ko bang subukan ang ibang inumin para di na ko magkamali sa pagtimpla? Marahil siguro, tama itong gagawin ko.....O bigyan ko uli ng isang pagkakataon para magtimpla at uminom nito? Pagod na ko.......Pagod na ko............................
Posted at 12:03 pm by arnold
Permalink
9.12.2005
Masamang Ugali Ko Raw? Siguro Nga....
Maraming nangyari sa buhay ko ngayon na di ko akalain na mali na pala siya sa paningin ng iba....... Bagamat ang kanilang opinyon ay tama at ito'y makakatulong sa aking pagkatao. Ilang buwan na akong nakakulong sa pagiging artista, marahil na rin na ayoko ng makasakit ng tao. Habang nasa probisya ako ng 2 araw, sinabi ko sa aking sarili na kailangan ko ng pag-aralan ang mga maling kilos sa pag-uugali ko na siyang nagdudulot ng kasiyahan at kadismayahan ng karamihan...
Kailangan ko bang maging malapit sa isang kaibigan o ituring lang silang tulad ng isa lang na kakilala? Siguro dahil na rin sa salitang "malambing" kaya nabibigyan ng kahulugan ang mga pagkilos mo? Paano kung yan na ang ugali ng isang tao? Oo nga pala, dapat nasa lugar ka, di ba?
Haaaay......sa isang taon kong pagtatrabaho dun sa pinapasukan ko nabuo ang isang salitang kinakainisan nila na "inosente ako". Tinatanong nila ako patungkol dito kung ano ang ibig kong sabihing sa litanyang ito pero di ko ito sinasagot kasi alam ko sa darating na panahon, malalaman din nila..........
Ngunit salamat sa paggising at pagbukas ng maling kaisipan, dapat na kong maging sensitibo sa nga bagay bagay. Pero sana...Tanggapin nyo 'tong pagbabago na siyang sa tingin ng karamihan eto ang tama at gusto nila. Lahat ng ugali damay, pero kailangan, para di na uli magkamali....
Naisip ko rin nung "high school" ako, mahilig akong mapag-isa at naeenjoy ko siya. Naglalakad ako na tipong di ko alam kung san ako patutungo at wala akong nasasaktan na tao sa aking pag-iisa...Habang sa paglalakad ko, nandoon yung pangarap na sana'y magkatotoo at ibigay ito ng DIyos. At biglang pumasok itong tanong sa aking isipan.........."Kaya ko ba uling mag-isa? Tutal siguradong wala akong masasaktan na tao?" Ito'y opinyon ko lamang at pansarili lamang... Salamat sa mga nagbasa........
Posted at 10:52 pm by arnold
Permalink
7.12.2005
Maraming pagsubok at iba't ibang kwento ang naranasan at napakinggan ko nitong lumipas na buwan. Sa aking pakikinig sa kanilang buhay, nararamdaman ko ang emosyon na bumabalot sa puso nila. Ung tipong gawin nila ng buong lakas na tumulong at mapalalim ang samahang nilang magkaibigan. Gagawin nila ang lahat para sa kaibigan. Subalit hirap sila na mapakita ung di magandang pag-uugali, sa kadahilanang baka masira ang pagkakaibigan nila. Isa sa layunin natin bilang tao ay makipagkaibigan sa ibang tao ngunit hirap naman natin mapakita ang tamang balanse ng pag-uugali? Oo, sa umpisa, di normal na ipakita mo agad sa kanila ang pagiging "dark vader" mo. Pero kung medyo matagal mo ng kaibigan, di mo pa rin ba ipapakita ito?
Teka, bakit ko nga pala nabanggit si "dark vader" dito? Lam ko naman sa napanood nyo na ang "starwars" at alam nyo naman kung ano ang pag-uugaling pinakita nya ron! Siya ang kontrabida ron na tumilawag sa mga samahan ng mga "jedi". Ang mga "jedi" naman ang bida sa istorya.
Karamihan talaga sa atin ay tulad ng mga "jedi" sa "starwars", kailangan puro magaganda ang dapat mapakita sa isang kaibigan. Ipagtatanggol natin sila hanggat sa ating makakaya at ipapakita sa kanila ang mala anghel na pakikitungo, tama po ba? Ngunit sa reyalidad ng buhay mala "dark vader" pa rin tayo. Naiinis, nagseselos, naiinggit, tinotopak, bugnutin, sumasama ang loob, etc. Takot tayong ipakita ito kasi isang kahihiyan o isang kasamaan ng loob ang mararamdaman nila pag ito'y isiniwalat natin! At posibleng mawala ang paggalang at pwedeng mawala ang pagiging magkaibigan nila! (Tama kaya ito?)
Kung inyong pagmumunimunihan, di ninyo ba nababatid na ang kaibigan na kinaibigan natin ay siya pa mismo ang makakatulong upang mawala unti unti ang pagiging "dark vader" natin? (Paano yon, eh kilala nila akong mabait at walang kapintasan?) Mas malaking problema nga yun eh kasi isang pisngi lang ng asal natin ang kanilang nakita kasi di tayo naging totoo sa kanila. Puro magagandang ugali lang ang pinakita natin! Sa tingin nyo ba naging totoo na ba tayong kaibigan sa kanila, ang di pagparamdam ng pasaway na ugali natin?
Tandaan natin na andito pa tayo sa makasalanang mundo at madalas may pasaway pa rin tayong pag-aasal. Ngunit binigyan tayo ng Diyos ng mga kaibigan na siyang tutulong sa atin upang mapagsabihan at paalalahanan ang maling katopakan ng ating sarili. Maging balanse tayo at wag mahiyang ipakita sa kanila kung ano at sino tayo bilang mga kaibigan nila......
Posted at 02:27 pm by arnold
Permalink