Tahimik (pero ayaw nilang maniwala!), mahiyain (ang kapal ng mukha ko raw!) introvert person (opinion ko lang yon!).
   

<< January 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31





rss feed

1.11.2007
Birthday ko na!

   Ang bilis ng panahon. Dati 18yrs. old lang ako, tapos paggising ko ng umaga 28yrs old na pala ako!!!! Waaaaaaaah!!!!!! Pero kailangan kong tanggapin na lahat tayo ay tumatanda at walang takas dito. Alam niyo mga tropa, kaibigan at kakosa, malaki ang pasasalamat ko sa Diyos kasi sinulit Niya ang pagiging kabataan ko sa presensiya Niya. Binigyan niya ko sa kaligtasan, maraming "gifts & talents", dinala niya ko sa "mission area" sa Real Quezon sa murang edad na 18, nakasama sa maraming " youth camps" na kung saan duon Niya ako hinumog at nakarating sa mga lugar na malabong mapuntahan kasi pananaw ko nun ay wala akong sapat na salapi upang makarating doon at marami pang ibang pagpapala sa buhay ko!

   Ngunit, bigla akong nakapag-isip kung  bakit pinaparanas ng Diyos sa akin ang mga ito? Ganun-ganun na lamang ba yon? O hinahanda lang ako sa malaking Misyon sa buhay? Kayo, may ganito ba kayong karanasan? Di ko pa alam kung ano ang layunin Niya. Pero isa lang ang aking nararamdaman, masaya ako na naglilingkod sa mga kabataan at naeenjoy kong ibahagi ang ibinigay ng Panginoon sa akin. Kaya ang aking kahilingan, ay maipasa ko ang natutunan at nakuha ko sa Diyos na pagpapala sa mga kabataan pagkat ako'y naging kabataan din na lubos ang pagkalinga at paggamit Niya sa akin! Kasi batid ko na idinaraan Niya ako sa susunod na baitang ng paglilingkod at yon ang dapat kong hintayin at ipanalangin. 

   Sana ay ganun din ang gawin niyo, ang hintayin ang bagong ipapagawa sa inyo ng ating Kataas -taasan! Magandang gabi po! At salamat po sa inyong pagbasa ng aking saloobin.   

 


Posted at 06:40 pm by arnold

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home