Tahimik (pero ayaw nilang maniwala!), mahiyain (ang kapal ng mukha ko raw!) introvert person (opinion ko lang yon!).
   

<< October 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31





rss feed

10.19.2005
Takot sa isang desisyon......

Marami ng beses na nakakabangga ko ang salitang "TAKOT". Ito ang mga halimbawa,  takot akong magbigay ng ideya pag kami'y nagpaplano sa kompanya, kasi baka di nila ito tanggapin. Takot akong makipag usap sa "foreigner" kasi baka maubusan ako ng ingles. Takot akong magalit sa ibang tao kasi ayaw ko na masaktan sila ng dahil lang sa galit ko. At higit na kinakatakutan ko ay..........Takot akong harapin ang isang tao na sa tingin ko na siya yung posibleng ibigay ng Diyos na maging katuwang ko hanggang wakas......Bakit ganon? Ang dami kong takot? Kelan ko ba ito malalampasan? At kelan ako tatapang.......Duwag ka talaga.....Duwag........ 

Posted at 08:07 pm by arnold

Name
January 12, 2007   09:55 AM PST
 
try ko lang
frenz
November 11, 2005   01:31 PM PST
 
Salamat butch! Isang karangalan ito na nagbigay ka sa akin ng mensahe na magpapalakas sa akin upang masupil ko ang mga takot na bumabagabag sa akin. Salamat ulit...
butch
November 2, 2005   07:47 PM PST
 
ganyan talaga, kapatid, basta hindi mo alam kung ano maihaharap sa'yo. kung sabagay, natakot din ako nun. hanggang ngayon, may takot pa rin, lalo na't papalapit na ang araw ng aming pagsasama bilang mag-asawa.

pero kase, ang nagbigay sa'kin ng tapang ay ang pag-unawang ang Panginoon ang nagplano, naggabay, gumawa ng paraan, at gagabay sa akin--sa amin--habang buhay. kung tutuusin wala naman talaga akong ginawa e--kundi magtiwala't sumunod. yun lang naman hinihingi Niya e.
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry